Ako po ay isang Filipinong nangangarap, paudlot udlot po ang aking pagaaral dahil wala po kami sapat na pera. Naranasan nyo po ba yun? Wala po maayos na bubong ang aming bahay, kapag umuulan madalas nababasa kami at nagdadasal nalang na tumila nalang ang ulan. Naranasan nyo po ba yun? Ang almusal namin ay camatis at tinapay, pinag hahati-hatian pa namin ng tatlo ko na kapatid. Naranasan nyo po ba yun? Si Tatay hinde po makahanap ng magandang trabaho dahil sa sakit nya. Kaya kami ng mga kapatid ko nag tatrabaho par sa amin. Naranasan nyo po ba yun? May mga araw na hinde ko alam kung may bahay pa ba kami na uuwian, kung may pagkain na kakainin, kung mabubuhay pa ba kami. Naranasan nyo po ba yun?
Ang alam ko po, pianganak na kayo na mayaman, may kotse, may magandang bahay at magandang lupa. Ang tanung ko lang po ay panu nyo maiintindihan ang kalagayan naming mahihirap? At kung hinde nyo po kami naiintindihan paano nyo po kami matutulungan? Sa palagay ko ay hindeng hinde nyo kami maiintindihan dahil hinde nyo dinanas ang mga dinadanas namin. Ang magutom, ang mapagod at ang maghirap.
Sana bago nyo po sabihin na kayo ay lumalaban para sa aming mahihirap, tanungin nyo po ang sarili nyo kung kilala nyo ba talaga kaming mahihirap.

Nag mamahal,
Dalawangput walong mahihirap na Filipino

No comments:
Post a Comment