Hacienda Luisita at iba pa
Na heheadline nanaman sa showbiz news ang kapatid na bunso ni Sen. NoyNoy.
Kinukwestyun ng mga obrero ng Hacienda Luisita ang patuloy na pag suot ni Kris Aquino ng designer clothes at mamahaling alahas sa kanyang programa sa telebisyon. Nanghihinagpis ang mga magsasaka, kasi’y kakarampot na P9.50 kada araw lamang ang kanilang suweldo sa loob ng Hacienda.
ALAM KAYA ITO NG DOLE?
Ipinahayag ito ng mga magsasaka nang magtipun tipun sa harap ng Hacienda Luisita sa pagsisimula ng national caravan na may temang “LAKBAYAN NG ANAKPAWIS PARA SA LUPA AT KATARUNGAN” bago dumiretso sa Manila nang naglalakad lamang.
Nakakapag takang ayaw isailalim ng batas agraryo ang buong Hacienda Luisita at impamahagi ng libre ang napakalaking lupa nito.
Isa sanang magandang pagkakataon ito upang mapanatili ni Sen. NoyNoy ang kanyang popularidad.
Ang tanong kaya kaya nyang idesisyon na IBIGAY na lang sa mga obrero ang tigang na lupa?
Ang masakit nagging saksi rin ang mismong Hacienda sa pag masakaer ng 13 MARTIR na magsasakang napatay sa WELGANG isinagawa noong Nobyembre 16, 2004. MANANATILING MULTO ANG ISYU HABANG PANAHON.
Tuwing mapapanood ng mga taga hacienda ang magagarang damit at alahas ni Kris Aquino naalala nila ang “KATAS NG TUBO SA LOOB NG HACIENDA”
Ang masakit dahil nuwebe pesos lang ang suweldo nila sa Hacienda kailangan nila ang dalawang araw na trabaho bago makabili ng isang kilo ng bigas.
Pero hinde na sila mag uulam, sabaw nalang ng nilagang malungay.
Saturday, January 30, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment